Hindi pa inaaprubahan ng National Task Force against COVID-19 ang pagtuturok ng COVID-19 booster vaccine shots.
Ito ang nilinaw ni National Task Force Chief Implementer at Vaccine Czar, Secretary Carlito Galvez sa gitna ng issue kung kailangan na ba ang booster shot o ika-3 dose ng bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Galvez, mahigit 10% pa lamang ng populasyon ang nababakunahan habang nasa 90 milyon pang Pinoy ang naghihintay na maturukan.
Dapat anyang bakunahan muna ang mayorya ng populasyon bago magpasyang turukan ng booster shots na maaaring isagawa sa unang quarter ng susunod na taon.
Ipinunto ni Galvez na batay sa payo ng mga eksperto, maiging magpaturok ng booster shots 9 hanggang 12 buwan matapos bakunahan ng 2nd dose. —sa panulat ni Drew Nacino