Ipaprayoridad ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga City sa pagbabakuna kontra COVID-19 ang mga lugar sa lungsod na may mataas na kaso ng COVID-19.
Ayon kay City Health Officer Dr. Dulce Amor Miravite, bahagi ito ng hakbang ng lokal na pamahalaan upang mabilis na maabot ang 70% population immunity.
Batay sa COVID-19 data tracker, mula sa 98 mga barangay ay dalawampung barangay ang may mataas na COVID-19 active cases.
Sinabi pa ni Miravite na umabot na sa 412,027 doses ng COVID-19 vaccines ang naiturok sa siyudad hanggang nitong Oktubre 23, 2021.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico