Pinahintulutan na ng Health Officials sa Estados Unidos ang pagtuturok ng ikalawang COVID-19 booster dose ng Pfizer at Moderna.
Ayon sa U.S. Food and Drug Administration Agency, para ito ng mga edad singkwenta pataas na itinuturing na vulnerable na mahawa sa omicron variant.
Maaaring maiturok ang ikaapat na dose, apat na buwan matapos ang ikatlong dose.
Suportado ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) ang hakbang na mismong nagrekomenda nito. – sa panulat ni Abby Malanday