Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) na makatanggap ng ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccines, ang mga edad 50 hanggang 59.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagsimula na ang pakikipag-usap nila sa mga eksperto para makakuha ng ebidensiya kung ano pang sektor ang dapat bigyan ng 2nd booster.
Kasama rin sa ikinokonsidera ang pagtanggap ng ikalawang booster ng mga immunocompromised frontliners.
Bukas, inaasahang ipi-prisenta ng DOH sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang plano.
Kung maaprubahan ng mga opisyal ng IATF, agad din itong ipoproseso sa Food and Drug Administration at sa Health Technology Assessment Council.
Sa ngayon, tanging ang mga frontline healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised individuals pa lamang ang kwalipikado para sa ikalawang booster shot ng COVID-19 vaccines.