Inaprubahan na ng food and drug administration (FDA) ang pangalawang booster shot laban sa COVID-19.
Kinumpirma ito ng Department of Health (DOH) kung saan unang bibigyan ng bakuna ang mga; senior citizens, immunocompromised individuals at frontline healthcare workers.
Una nang sinabi ng DOH na kailangang apat na buwan muna ang lumipas sa pagpapaturok ng unang booster shot, bago tumanggap ng ikalawang booster shot.
Para sa mga immunocompromised individuals, sinabi ng DOH na sundin ng mga ito ang payo ng kanilang doktor.
Sa ngayon, gumagawa na ng guidelines ang National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) para sa roll-out ng ikalawang booster shot. -sa panulat ni Abby Malanday