Napagkasunduan ng Department Of Health (DOH) at Commission on Higher Education o CHED na payagan nang magsilbing vaccinators ang mga fourth year medicine at nursing student.
Sinabi ni CHED Chairperson Prospero De Vera na maaari na ring maging vaccinators ang mga graduate ng medicine at nursing na hindi pa nakakakuha ng licensure exam.
Layunin aniyanito na mapabilis ang bakunahan sa bansa.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico