Napakagandang development para kay TUCP o Trade Union Congress of the Philippines vice president Roland Dela Cruz, ang pagkakapasa sa house committee on labor and employment, ng panukalang four-day work week.
Sinabi ni Dela Cruz na malaki ang pangangailangan para rito, lalo na at kadalasang nauubos ang oras ng mga manggagawa sa pag ko–commute papunta sa kani–kanilang opisina.
Makatutulong din aniya ito, para mabawasan ang araw ng pagliban ng mga manggagawa na inilalaan sa pakikipag transaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan.
“Nauubos ‘yung travel time nila, ‘yung oras nila para sa kanilang sarili at pamilya, so if you put the four-day work week, hahaba ‘yung oras ng trabaho but they have more days to spend with their family kasi kailangan din ng work-life balance, hindi naman tayo slave na wala na tayong buhay, trabaho na lang tayo nang trabaho.”
Aminado naman si Dela Cruz na maaring maapektuhan ng panukalang batas ang suweldo ng mga “Arawang” manggagawa.
“Maaapektuhan talaga ‘yan, mayroon tayong tinatawag na hourly paid, daily paid at monthly paid employees. Kung sa hourly paid, tatatas ‘yun pero ‘yung opportunity nila for extra income thru overtime, mawawala. Ang apektado talaga rito ay ‘yung ating mga hourly paid at daily paid employees.”
By Katrina Valle
Pagusad ng panukalang four-day work week isang napakagandang development–TUCP was last modified: May 18th, 2017 by DWIZ 882