Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang isinumiteng basic education continuity plan ng deped o department of education.
Kasunod nito, sinabi ni Presidential Spokeserson Harry Roque na tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa elementarya at highschool sa Agosto 24.
Ayon kay Roque, maaaring namang piliin ng mga pribadong paaralan na mas maagang magbukas ng klase pero kinakailangan munang gumamit ng ibang paraan sa pagtuturo tulad ng online classes at home schooling.
Samantala, mananatili namang suspendido lahat ng mga extra curricular activities sa mga paaralan na magreresulta sa mga pagtitipon-tipon ng maraming tao.