Nanawagan ang isang labor group na ipagbawal na ng mga lokal na pamahalaan ang pagvi-videoke.
Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng ALU-TUCP, nakakaistorbo ang ingay ng mga nagvi-videoke sa mga nag-aaral o nagta-trabaho online.
Ani Tanjusay, stress na ang maraming estudyante, guro at empleyado dahil sa hirap ng internet connection at ito ay madadagdagan pa ng ingay mula sa videoke.
Una rito, inanunsyo ng provincial government ng Cavite na ituturing na paglabag sa curfew hours ang pagvi-videoke nang gabi.