Wakasan na umano ang ‘endo’ o end of contract employment scheme at kontraktwalisasyon sa mga manggagawa.
Ito ang naging panawagan ni Vice President Leni Robredo kasabay ng paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, kahapon.
Sinabi ng pangalawang pangulo na dapat ay nagkakaisa ang bawat Pilipino upang itaguyod ang ligtas, marangal at regular na trabaho para sa manggagang Pilipino.
Kasabay nito, ipinaalala ni Robredo sa kasalukuyang administrasyon ang pangako nitong tutuldukan na kontraktwalissayon sa bansa.