Kinalampag ng grupo ng mga guro at kawani ng gobyerno ang pamahalaan kaugnay sa hirit nilang itaas ang buwanang sahod at wakasan ang kontraktuwalisasyon sa bansa.
Giit ng Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE).
Dapat ay nasa P16,000 ang minimum na buwanang sahod.
Batay kasi sa datos ng grupo nasa P11,000 lamang ang sahod ng nasa salary grade 1 sa first class cities at municipalities.
Habang nasa P7,000 naman kada buwan ang sahod sa fifth at sixth class municipalities.
Pinaalala rin ng grupo ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa pagtatanggal ng lahat ng uri ng kontraktuwalisasyon sa bansa.