Maituturing umanong red-tagging sa buong University of the Philippines Community ang pagbasura sa UP-DND agreement na tatlong dekada nang kasunduan.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, tila hindi na mapipigilan ang umano’y mapanupil na polisiya ng administrasyong Duterte at ngayon ay malaya nang makakapasok ang mga otoridad sa mga UP campus.
Giit ni Lagman, kung tutuusin aniya ay wala namang batayan ang pagkakabasura ng naturang kasunduan ng DND at UP.
Nilagdaan noong 1989 ang kasunduan ng UP-DND kung saan ipinagbabawal sa mga militar at pulis na makapasok sa unibersidad nang walang koordinasyon mula sa mga opisyal ng UP.