Agad ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bagong AFP Chief of Staff na si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero ang pagwasak sa mga armas na narekober mula sa mga kalaban.
Ito’y bilang patunay na hindi itinatago ng militar ang mga nasasabat na matataas na kalibre ng baril at nalampasan ng gobyerno ang mga hamong dala ng terorismo at karahasan.
Partikular na tinukoy ng Pangulo ang halos 1000 baril na narekober ng militar sa Marawi City na ginamit ng mga miyembro ng Maute-ISIS sa limang buwang sagupaan.
Samantala, muling tiniyak ng punong ehekutibo na matatanggap na ng mga sundalo ang kanilang panibagong dagdag sahod, simula sa susunod na taon.