Kasabay ng unang anibersaryo ng Marawi siege, hiniling ng Liberal Party o LP sa Duterte administration na wakasan na ang martial law sa Mindanao.
Ayon sa LP, matagal ng tapos ang digmaan at hindi agad maghihilom ang sugat ng nakaraan kung magpapatuloy ang implementasyon ng batas militar na nagpapahintulot sa warrant-less arrest.
Wala naman anilang rebelyon sa Mindanao na naging ng pagpapalawig sa martial law.
Magugunitang pinangunahan ng grupong Maute-ISIS ang pag-atake sa Marawi noong Mayo 23 taong 2017 dahilan upang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law sa buong Mindanao.
—-