Nakikita ng OCTA Research Team na ang pagbaba ng COVID-19 cases sa Metro Manila, ay indikasyon na matatapos na ang wave ng mga kaso dahil sa XBB Subvariant.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, sa nakalipas na mga linggo ay nakita nilang bumaba ang kaso sa NCR at maging sa kalapit na rehiyon.
Umaasa naman si David na ang XBB Omicron Subvariant o Ba.2.10. Ay matatapos na sa Disyembre.
Samantala, maliban sa Metro Manila ay nakitaan ng OCTA ng pagtaas ang mga kaso sa Tarlac, Northern Luzon, Western Visayas at ilang parte ng mindanao kasama na ang Misamis Oriental.