Duda ang South Korea sa 5.3 magnitude ng lindol na naganap sa North Korea.
Ayon sa meteorological agency ng South Korea, posibleng hindi lindol kundi nuclear test ang pagyanig na naitala ng US Geological survey.
Ang pagyanig ay naitala malapit sa nuclear test site ng North Korea kung saan isinagawa ang ika-apat nilang nuclear test noong Enero.
Ayon sa USGS, sa ibaba lamang ng lupa natukoy ng pagyanig taliwas sa ordinaryong lindol na karaniwang, sa ilalim ng lupa.
Matatandaan na pinuna ng United Nations ang nuclear test ng North Korea noong Enero dahil paglabag ito sa serye ng UN Security Council resolutions.
By Len Aguirre