Mariing kinondena ng South Korean Government ang umano’y hydrogen bomb test na inilunsad ng North Korea.
Dahil sa lakas ng pagsabog ay sinasabing nagdulot ito ng pagyanig sa lupa na may sukat na magnitude 5.1.
Naganap ang bomb test dalawang araw bago ang kaarawan ni North Korean Leader Kim Jong-Un.
Sa isang emergency meeting ng mga ministry officials, iginiit ni Vice Foreign Minister Lim Sung Nam na labag sa resolusyon ng U.N. Security Council ang naturang hakbang ng NoKor.
By Jelbert Perdez