All set na ang iba’t ibang ahensya para sa tradisyunal na ‘pahalik’ sa imahen ng poong Hesus Nazareno.
Magsisimula ang ‘pahalik’ bukas araw ng Martes, Enero 7 sa Quirino Grandstand, Maynila.
Ayon kay Fr. Robert Arellano, tagapagsalita ng Nazareno 2025, bago magsimula ang “pahalik,” Isang misa muna para sa mga volunteers ng pista ng Poong Hesus Nazareno ang idaraos ngayong araw.
Ang nasabing aktibidad ay susundan ng 30 fiesta masses na gaganapin mula alas tres ng hapon ng Miyerkules, Enero 8 hanggang ng gabi ng Huwebes, Enero 9 o ang mismong araw ng kapistahan.
Kabilang sa mga tampok sa pista ay ang Traslacion, o ang prusisyon ng imahen ng poong Hesus Nazareno na magsisimula sa Quirino Grandstand patungo sa Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno.
Inaasahan na milyun-milyong deboto ang makikilahok sa taunang selebrasyon. – Sa panulat ni Kat Gonzales mula sa ulat ni Jenn Patrolla (Patrol 38)