Nagsimula na ang tradisyunal na pahalik ng Poong Itim na Nazareno sa Quirino Grandstand.
Mas maagang isinagawa ngayong taon ang pahalik dahil kahapon palamang Enero 6, 8:00 ng gabi ay nagsimula nang umaandar ang linya sa mga nagnanais na humalik sa poon.
Mag aalas dos ng hapon kahapon nang maihatid ang imahe ng poon sa Quirino Grandstand.
Hindi tulad noong mga nakalipas na taon na dalawa ang linya na pinapayagan sa pahalik, ngayong taon sa gawing kaliwa ng grandstand ay isang linya na lamang ang siyang papayagan para sa mga nagnanais na humalik at magpahatid ng panyo sa poon.
Habang sa main gate naman padadaanin ang mga buntis, senior citizens at person with disabilities.