Pinalagan ng pamilya ng nasawing broadcaster-columnist na si Percival Mabasa o mas kilala bilang si Percy Lapid, ang naging pahayag ng Philippine National Police (PNP) na “case solved” o naresolba na ang kaso ng hard-hitting broadcast journalist makaraang makasuhan ang mga suspek sa krimen.
Ayon kay Roy Mabasa, kapatid ng biktimang si ka-Percy, magkaiba ang “solved” sa na-“closed” na kaso dahil inaalam pa sa ngayon ng mga imbestigador ang dahilan ng pagkamatay ng middleman na si Crisanto Villamor Jr.
Sinabi ni Roy, na masasabi lang na nalutas na ang kaso ng pagpatay sa kanyang kapatid kung matutukoy ang utak ng krimen, maharap sa kaso at makulong ito.
Sa ngayon, bantay-sarado ang itinuturong ikalawang middleman sa pagbaril-patay kay lapid na kinilalang si Christopher Bacoto, na ngayon ay nakapiit sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig.
Si Bocato ang sinasabing kumausap sa mga suspek sa pagbaril-patay kay Mabasa.