Pumalag si House Ad Hoc Committee on the Bangsamoro Chairman at Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez sa pahayag ng ilang senador na minadali umano ng kaniyang komite ang pagpasa sa panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Binigyang diin ng mambabatas na hindi dapat nagsasalita ng ganito ang mga kapwa nila mambabatas dahil wala aniyang katotohanan ang alegasyong minadali nila ang panukalang batas.
Direktang tinukoy ni Rodriguez si Senador Bongbong Marcos na aniya’y apektado ng public opinion ang kaniyang mga nilalabas na pahayag na konektado naman sa paparating na halalan sa susunod na taon.
Una nang inihayag ni Marcos na hindi madaling ipasa agad ang BBL dahil sa mga kontrobersyal na probisyong nakabalot dito.
By Jaymark Dagala