Itinanggi ni Vice President Leni Robredo ang napaulat na pahayag niya hinggil sa umano’y pagpapa-hard to get ni President Rodrigo Duterte.
Tiniyak ni Georgina Hernandez, Spokesperson ni Robredo na nananatili ang suporta ng Pangalawang Pangulo sa Pangulong Duterte.
Lumutang ang naturang report nang bigong makakuha ng schedule si Robredo para makausap si Duterte bago ang kani-kanilang inagurasyon.
Kasabay nito, nilinaw din ni Hernandez na si Robredo kasama ang kanyang tatlong anak ay nagtungo sa Bohol, Cebu at Myanmar at hindi sa Taiwan para sa kanilang bakasyon.
Ang pagtungo naman aniya ni Robredo sa Japan ay kasunod na rin ng paanyaya ng Filipino community doon kaugnay sa National Day celebration.
By Judith Larino