Pumalag ang League of Municipalities of the Philippines sa sinabi ni President-elect Rodrigo Duterte na may 32 mga mayors ang involved sa operasyon ng iligal na droga sa bansa.
Ayon kay League of Municipalities of the Philippines National President Mayor Sandy Javier ng Javier, Leyte hindi maaring i-single out ang mga mayors lamang dahil marami sa mga komunidad ang sangkot din sa operasyon ng iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Sandy Javier
Hindi rin aniya sila nasasaktan sa mga naging pahayag ni incoming President Duterte dahil isa ang mga mayors sa mga nangunguna sa kampanya laban sa iligal na droga.
Bahagi ng pahayag ni Mayor Sandy Javier
By Mariboy Ysibido | Ratsada Balita