Pinanindigan ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Christian Robert Lim, ang kanilang inilabas na babala hinggil sa posibleng pananabotahe ng China sa Presidential elections sa susunod na taon.
Sinabi ni Lim na mayroon silang hawak na intelligence report, at hindi niya intensyon na maalarma ang publiko dahil ang layunin lamang ng kanyang pagsisiwalat ay ang maging transparent.
Iginiit din ni Lim na nais lamang matiyak ng COMELEC na handa ang pamahalaan, sa anumang sitwasyon, lalo na at Presidential elections ang nakasalalay dito.
By Katrina Valle | Aya Yupangco (Patrol 3)