Tinuligsa ng isang labor group ang pahayag ng Malacañang na tumaas ang employment rate sa bansa.
Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, sinabi lamang ni Pangulong Noynoy Aquino na bumaba ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa maging ang pagbaba ng bilang ng mga OFW para lamang sa pansariling interes nito.
Ayon kay Elmer Labog, Chairperson ng KMU na tila desperado lamang si Pangulong Aquino na ikampanya ang kanilang 2016 presidential candidate na si Liberal Party standard bearer Mar Roxas.
Bumaba lamang aniya ang bilang ng mga OFW bilang resulta ng patuloy na global financial at economic crisis na nakaapekto sa maraming bansa at hindi sa paglikha ng trabaho sa Pilipinas.
Iginiit ni Labago na hindi rin mainam na batayan ang sitwasyon ng trabaho sa bansa lalo’t mababa ang itinakdang standards ng gobyerno at mababa rin ang sweldo.
By Drew Nacino | Allan Francisco