Pumalag ang Malakaniyang sa komento ni British Ambassador to the Philippines Asif Ahmad na mayruong pagbabago sa bansa subalit sa hindi maayos na paraan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella hindi tugma ang nasabing pahayag ng Ambassador sa tunay na sentimiyento ng ordinaryong Pilipino.
Walo sa sampung Pilipino aniya ang nagtitiwala sa Pangulong Rodrigo Duterte at kuntento sa performance ng administrasyon lalo na sa kampanya kontra iligal na droga at kriminalidad.
Bukod dito ipinagmalaki ni Abella ang aniya’y magandang pagtingin ng international financial institutions tulad ng World Bank, Hong Kong at Sanghai Banking Corporation kasama na ang standard and poor’s sa paglago ng ekonomiya ng bansa ngayong 2017.
Sinabi pa ni Abella na suportado rin ng Asian Development Bank ang 10 point socio economic agenda ng gobyerno at nakahandang pondohan ang infrastructure projects at iba pang programa ng gobyerno para sa pagbabago.
Binigyang diin ni Abella na mataas ang tiwala ng sektor ng pagnenegosyo at consumers sa Duterte Administration hindi tulad ng ibang diplomats na pamilyar lamang sa mga nangyayari sa kanilang paligid tulad ng mga eksklusibong subdivisions.
By: Judith Larino / Aileen Taliping