Pabor si political analyst Prof. Ramon Casiple na hindi payagan ang mga kandidatong “no show” o yung mga hindi dadalo sa debate na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).
Ito ay kasunod ng babala ng komisyon na parurusahan ang mga kandidatong hindi pupunta sa 2022 national and local debates.
Matatandaang sinabi ng Comelec na hindi nila papayagang makapag-ere sa kanilang Online campaign rally sa E-rally platforms ang sinomang kandidatong mang-iisnab sa ikinasang presidential at vice presidential debate ngayong Marso.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Casiple na karapatan man ng mga kandidato na hindi dumalo, hindi parin pwede na sila ang pipili o magdedesisyon ng petsa sa aktibidad na inilunsad ng Comelec.—sa panulat ni Angelica Doctolero