Binatikos ng Alyansa Tigil Mina si Secretary Roy Cimatu ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa pahayag nitong tatanggalin na ang ban sa open pit mining.
Ayon kay Jaybee Garganera, coordinator ng grupo, ikinagulat nila ang naging announcement ni Cimatu sa kabila ng kawalan pa ng resulta ng pag-aaral na isinasagawa ng Mining Industry Coordinating Council o MICC.
Dahil dito, ikinatuwa ng grupo ni Garganera ang matatag na posisyon ng Malacañang na panatilihin ang ban sa open pit mining.
“Bilang DENR Secretary ay dapat alter-ego siya ng Presidente, dapat niyang ipatupad kung ano ang instructions ng Presidente in this case, dapat ipatupad yung resulta ng mining audit, yung mga hindi sumusunod sa batas ay dapat ipasara ang mga minahang yun at itong ban na ito ay dapat ipatupad ng DENR.” Pahayag ni Garganera
(Ratsada Balita Interview)