Sinuportahan ng may – akda ng Reproductive Health o RH Law ang pahayag ng Department of Health (DOH) na maituturing nang “lifted” o wala nang bisa ang Temporary Restraining Order (TRO) ng Korte Suprema laban sa pamamahagi ng mga contraceptives.
Ayon kay Albay Representative Edcel Lagman, muli nang sinertipikahan ng Food and Drug Administration o FDA ang ilang kinukuwestiyong gamot at devices na nagsasaad na hindi naman nakapagdudulot ang mga ito ng aborsyon.
Giit pa ni Lagman, hindi na kailangang umakyat muli sa mataas na hukuman para buksan ang nabanggit na usapin.
Maging ang kataas – taasang hukuman aniya ay binigyang daan na ang “full implementation” ng RH Law matapos ang “recertification” na ginawa ng FDA.