Binatikos ng isang consumer group ang naging pahayag ng ERC o Energy Regulatory Commission na posibleng magbunsod sa blackout ang naging suspensyon na ipinataw sa ilang mga opisyal nito.
Ayon kay Alyansa Para sa Bagong Pilpinas Rep. Evelyn Jallorina, pina – bluff lamang ng ERC ang konsyumer dahil maari naman magtalaga ng bagong mga opisyal kapalit ng suspendidong mga komisyoner.
Ito aniya ang tamang panahon para mag – bid para sa mga bagong PSA o Power Supply Agreement.
Matatandaang sinabi ni ERC Chief Agnes Devanadera na posibleng magkaroon ng malawakang kawalan ng kuryente dahil maapektuhan ng naturang suspensyon ang pag po-proseso ng PSA applications.