Inalmahan din ni Kusug Tausug Rep. Shernee Tan-Tambut ang lumabas na storya ni South China Morning Post Correspondent Raissa Robles na hindi umano “Safe” ang mindanao para sa mga turista.
Ayon kay Tambut, nakatawag-pansin sa kanilang mga taga-Sulu at iba pang taga-Mindanao ang panunuya ni Robles.
Hindi rin nagustuhan ng kongresista ang pahayag ni Robles na lantad ang mga turista sa Mindanao sa mga kidnapper at iba pang kriminal at patutsadang dapat ng maghanda si Incoming Tourism Recretary Christina Frasco para sa ransom negotiations sa Abu Sayyaf.
Mariin anya nilang ipino-protesta ang pangit na paglalarawan ng nasabing journalist sa Mindanao, partikular ang Muslim provinces, bilang balwarte ng mga kidnapper at bandido.
Iginiit ni Tambut na hindi naman lahat ng bahagi ng Mindanao ay pangit, bagkus gumagawa ng paraan ang mga mamamayan, lalo ang mga Muslim province na mapanatili ang kapayapaan at pagiging progresisbo bilang ambag sa pag-unlad ng bansa.