Pinasinungalingan ng grupo ng mga mamamahayag at abogado ang sinabi ng pamahalaan na hindi ito nakatanggap ng pormal na request para malaman ang datos kaugnay ng giyera ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga.
Tugon ito ng Philippine Center for Investigative Journalism o PCIJ at ng Free Legal Assistance Group o FLAG matapos punahin ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang artikulong isinulat ng PCIJ na hindi anila nagbigay ng impormasyon ang gobyerno hinggil sa kampaniya nito laban sa droga.
Paliwanag ng PCIJ, nag-request sila ng naturang datos mula kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong ika-siyam ng Agosto.
Ang request anila ay ifinorward sa planning and management service ng DOJ noong ika-Dalawampu’t apat ng Agosto at nagkaroon din sila ng follow-up request noong a-Uno ng Setyembre.
By: Allan Francisco