Aminado mismo si House Speaker Pantaleon Alvarez na mayruon siyang pagdududa sa legalidad ng panukalang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang tugon ni Alvarez sa pahayag ng mga kritiko na labag sa Saligang Batas ang BBL na layong buwagin ng tuluyan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Kasunod nito, sinang-ayunan ni Alvarez ang pahayag ni Albay Representative Edcel Lagman na hindi sapat ang legislation lamang para buwagin ang ARMM kung hindi, dapat ito’y iparaan sa pamamagitan ng pag-amiyenda sa Saligang Batas.
Inihalintulad din ni Alvarez sa isang quo warranto petition kung saan, nasa Korte Surpema aniya ang bola para tukuyin kung ito ba’y naaayon o hindi sa umiiral na saligang batas ng Republika ng Pilipinas.
—-