Hindi na ikinagulat pa ng political analyst na si Professor Ramon Casiple ang pagbanggit ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa problema sa human rights violation at extrajudicial killings sa Pilipinas.
Ayon kay Casiple, dati na rin namang nababanggit ng Canada ang isyu ng patayan sa Pilipinas.
Naniniwala si Casiple na posibleng usap-usapan ng mga Pinoy sa Canada ang kasalukuyang sitwasyon sa bansa kaya’t nagpahayag ng pagkabahala ang Punong Ministro ng Canada.
Matatandaang kagabi, inalmahan at tinawag na insulto ni Pangulong Duterte ang pagpuna ni Trudeau sa mga patayang nangyayari sa bansa.