Dapat patunayan muna ng Malakaniyang ang aligasyon nito laban sa pahayagang The New York Times bago magbitaw ng mga paratang.
Ito ang reaksyon ni dating CHR o Commission on Human Rights Chairperson Loretta Ann Rosales sa pahayag ng Palasyo na nagagamit lamang ang nasabing media organizations para pabagsakin ang adminsitrasyon.
Ayon kay Rosales, masyadong malayo sa katotohanan ang naging aligasyon na iyon ng Palasyo dahil trabaho ng media sa loob man o labas ng bansa na maglabas ng ulat patungkol sa mga pangyayari sa Pilipinas.
Hindi aniya maaaring basta na lamang i-u-ugnay sa destabilisasyon ang mga ulat na tumataliwas sa paniniwala o paninindigan ng administrasyon.
By: Jaymark Dagala