Kinontra ng FEJODAP ang pahayag ng Malakanyang na nabigyan ng cash aid ang mga jeepney drivers at sa katunayan ay ikatlong bugso na ng ayuda ang inihahanda para sa mga ito.
Ayon kay Zeny Maranan, Pangulo ng FEJODAP, kung may nabigyan man ng ayuda ay wala pang 20% ng kabuuan ng mga jeepney drivers na ilang buwan nang hindi nakakapasada.
Bago pa lamang aniya ang enhanced community quarantine (ECQ) ay nakapagbigay na sila ng listahan ng mga drivers sa LTFRB subalit walang dumating na ayuda hanggang sa dumulog na sila sa DSWD.
Binigyang diin ni Maranan na marami sa mga drivers ang payag namang hindi na mabigyan ng ayuda kung papayagan na lamang silang mamasada.
Ang amin na lang pakiusap na ‘wag na silang magsinungaling na natanggap namin kung hindi naman nila ibibigay ito, hindi ito ibigay palabasin na lang nila ang mga jeepney drivers upang kumita ito at kumita rin ang operator jeep na kanilang lalabasan. Dalawa yan, ang sinasabi drive rlang, puro driver paano naman yung mga operator,” ani Maranan. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.