Hindi maituturing na pandidikta sa kongreso ang pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na tantanan ang impeachment kay Vice President Leni Robredo.
Naniniwala si House Speaker Pantaleon Alvarez na, nasabi ito ng Pangulo dahil nababahala ito sa magiging epekto ng impeachment sa bansa gayung wala pang isang taon ang bagong administrasyon.
Gayunman,muling iginiit ni Alvarez na posisyon ng ehekutibo ang pahayag ng Pangulo na hiwalay sa posisyon nila sa kongreso na syang may hurisdiksyon sa impeachment.
Sa ngayon, aminado si Alvarez na nasa proseso pa lamang sila ng pagtimbang kung may sapat na basehan para sampahan ng impeachment case si Robredo.
PAKINGGAN: Si House Speaker Pantaleon Alvarez sa panayam ng DWIZ
By Len Aguirre |Ratsada Balita (Interview)