Pinalagan ang hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa Bicol ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Naga City ay ang maituturing na “hotbed ng shabu”.
Ayon kay PDEA Southern Luzon Chief Christian Frivaldo, hindi hamak naman na mas malala ang kalakalan ng iligal na droga sa Maynila na isang highly urbanized city kumpara sa mga lugar na kanyang nasasakupan.
Maging si Naga City Mayor John Bongat ay pumalag din sa naging pahayag ng Pangulo.
Aniya, hindi totoo na kinukunsinti at walang ginagawa ang lokal na pamahalaan para matigil ang operasyon ng illegal drugs sa syudad.
Matatandaang tinawag ng Pangulo na hotbed ng shabu ang Naga City matapos nitong sabihin na hindi siya bilib sa kakayanan ni Vice President Leni Robredo para humalili sa kanya sa puwesto.
Si Robredo ay nagmula sa Naga City kung saan naging alkalde naman ang kanyang asawang si dating DILG Secretary Jesse Robredo.
—-