Hindi pwedeng i-discriminate ang mga indibidwal na hindi pa handang magpabakuna.
Ito ang iginiit ng isang grupo kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may karapatan ang mga kumpanya na tanggihan ang mga aplikanteng hindi pa bakunado laban sa COVID-19.
Paliwanag ni Associate Labor Union-Trade Union Congress of the Philippines Spokesperson Alan Tanjusay, mayroong batas na hindi pwedeng ipilit ang pagpapabakuna o ang COVID-19 Vaccination Program Act of 2021 kung saan hindi dapat gawing dagdag na requirement ang vaccine card sa employment.
Ngunit batay naman sa guidelines ng Department of Labor and Employment (DOLE), hindi batid kung tulad ng mga empleyado ay sakop din ng “No Vaccine, No Work,” ang mga aplikante pa lamang. —sa panulat ni Hya Ludivico