Umalma ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa pahayag ni House Speaker Alan Peter Cayetano na nagiging bahagi ang media sa pananabotahe sa 30th Southeast Asian (SEA) games.
Binigyang diin ng FOCAP na inire-report ng independent journalist ang lahat ng mga isyu at problema na mayruong pampublikong interes at bahagi anito ng pag-uulat ang panawagan ng pananagutan.
Sinabi ng FOCAP na hindi katanggap-tanggap ang alegasyon ni Cayetano na hinamon din nilang maglabas ng ebidensya.
Taliwas naman anila sa mandato ng mga mamamahayag ang panawagan ng organizers na i-ulat lamang ang mga magagandang balita.