Tiniyak ng AFP o Armed Forces of the Philippines na handa ang buo nilang puwersa laban sa anumang uri ng banta ngayong Semana Santa.
Ito ang inihayag ni AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año sa kabila ng kumpirmasyon ni pnp Chief Dir/Gen. Ronald Bato Dela Rosa na may binabantayan silang banta sa Region 7 o Central Visayas.
Batay sa impormasyong nakarating kay PNP Chief Dir/Gen. Ronald Dela Rosa, nagkakasa ng pagdukot ang mga teroristang grupo sa nasabing rehiyon dahilan upang magpalabas ng travel advisory ang Amerika sa kanilang mamamayan.
Gayunman, kinontra ni Año ang naging pahayag ng PNP Chief at sinabing wala silang namomonitor na banta sa seguridad sa nasabing rehiyon maging sa buong bansa.
By: Jaymark Dagala