Aminado ang Philippine Army na ikinabahala nila ang mga pahayag mula sa Philippine National Police (PNP) na self-defense at judgement call ang pagbaril at pagkakapatay ng isang pulis kay dating Corporal Winston Ragos.
Ayon kay Lt. Col. Armon Zagala, spokesman ng PNP, tila nagkaroon ng pre-judgement ang PNP sa insidente na dapat ay sa korte na lamang pinag-uusapan.
May nakita rin anya ang Philippine Army na malaking pagkakaiba sa statements ng mga sangkot na pulis at mga testigo kung ikukumpara sa nakunang video.
Sinabi ni Zagala na ito ang dahilan kaya’t dumulog sila sa National Bureau of Investigation (NBI) para sa isang patas na imbestigasyon.
Sa kabila nito, tiniyak ni Zagala na hindi dapat maka-apekto ang insidente sa relasyon ng Philippine Army at ng PNP na magtulungan sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang tagapamayapa.