Sinupalpal ni opposition Senator Antonio Trillianes ang pahayag ni Pastor “Boy” Saycon na maaaring gamitin ang Simbahang Katoliko para pabagsakin ang gobyerno matapos umani ng batikos ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na estupido ang Diyos.
Naniniwala si Trillianes na sa kabila ng mga panawagan ay malabo na humingi ng paumanhin ang Pangulo.
Hindi naman kumbinsido ang senador na biktima ng pang-momolestiya o inabuso ng pari ang Punong Ehekutibo kaya ganun na lang ang galit nito sa Simbahang Katolika na ginagamit na lamang palusot.
Nais lang daw siraan ng Pangulo ang mga paring Katoliko para mabawasan ang kredibilidad ng mga ito na nagsasalita laban sa hindi magandang patakaran ng kanyang administrasyon at upang maraming tumiwalag sa Simbahan.
—-