Premature na masabing mas mataas ang tsansang mahawahan ng COVID-19 ang mga kabataang nag-aaral mula sa kanilang bahay.
Ayon ito kay Dr. Anna Ong-Lim, miyembro ng DOH technical advisory group matapos ihayag ni Education Secretary Leonor Briones na ang mga eskuwelahan ang mayroong pinakamababang banta ng COVID-19 infection.
Sinabi ni Lim na malinaw na mas malaki ang banta ng pagkahawa kapag ang indibidwal ay nae-expose sa publiko base na rin sa isang bagong pag-aaral sa Amerika kung saan mas nakatulong sa pagbawas ng COVID-19 cases ang pagsasara ng ilang institusyon tulad ng mga eskuwelahan.