Ikinagalak ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na hindi mauuna ang China na magpaputok sakaling magkaroon ng tensiyon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Lorenzana, very comforting ang naging pahayag ng Chinese ambassador na hindi sila magiging agresibo.
Kumpiyansa si Lorenzana na hindi magsisimula ng gulo ang China lalo pa’t sinabi ni Zhao na 85 percent ng mga iniimport nitong langis at iba pang produkto mula sa Middle East ay dumadaan sa South China Sea.
Samantala, binaggit din ni Lorenza kay Zhao ang pagdaan ng Chinese warship sa Sibutu Strait kung saan pinatay pa ng mga ito ang kanilang automatic identification system para hindi ma- monitor.
Sinabi ni Zhao na hindi ito ginagawa ng magkaibigang bansa at nangako itong sasabihan ang Chinese military na magpasabi sa Chinese embassy kung saan sa katubigang sakop ng Pilipinas para sa tamang koordinasyon.