Binuweltahan din ni PNP o Philippine National Police Chief Director General Ronald ‘Bato’ Dela Rosa si United Nations Special Rapporteur on Extrajudicial Executions Dr. Agnes Callamard.
Kasunod ito ng panibagong pahayag ni Callamard na dapat maging huli na ang kaso ng binatilyong si Kian Loyd Delos Santos sa mga napapatay sa ilalim ng war on drugs ng administrasyon.
Ayon kay Dela Rosa, dapat atupagin na lamang ni Callamard ang trabaho nito at hintayin na lamang na matapos ang mga isinasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang kaso.
Dagdag pa ng PNP Chief, posible naman ang sinasabi ni Dr. Callamard na wala nang matulad kay Kian na napapatay kung tuluyan nang mawala ang droga sa Pilipinas.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE