Duda pa rin si Sen. Panfilo Lacson na mayroon talagang nagtangka na i-overprice ang Sinovac vaccine.
Hindi kasi katanggap-tanggap para kay Lacson ang paliwanag ni Health Secretary Francisco Duque III na sa google nila nakita ang mataas na presyo ng Sinovac vaccine na ibinigay nila sa senado noong budget deliberation.
Giit ni Lacson, posibleng mayroong nagdikta sa DOH ng presyo na P3,629 para sa Sinovac vaccine gayong umaabot lang pala ito sa P600 hanggang P700 ang bawat dose ng naturang bakuna.
Dagdag pa ng senador, mayroon siyang natanggap ng ‘di beripikadong ulat na may ilang tiwali na kumikilos at posibleng nagbigay sa DOH ng hindi makatwiran o napakataas na presyo ng Sinovac vaccine.
Una rito, inabswelto ni Senate Presiden Vicente Sotto III si Vaccine Czar Carlito Galver at Duque sa umano’y overpricing dahil wala namang kinalaman ang dalawa sa lumabas na presyo ng Sinovac.