Pumalag ang isang dating opisyal ng Commission on Audit sa pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na sagabal ang ahensya sa trabaho ng gobyerno.
Ayon kay dating Auditor Heidi Mendoza, kahit kailan ay walang intensyon ang COA na manghimasok, magpabagal ng transkyon at kumita.
Sinabi ni Mendoza na ang papel ng state auditor ay magbigay ng pagkakataong maituwid, mapaganda at maayos ang takbo ng paggamit ng pera ng bayan sa paraang may pananagutan at bukas sa batikos ng publiko.
Si Mendoza ay undersecretary general na ngayon sa United Nations Office of Internal Oversight Services.
Palace statement
Biro lang.
Ito ang tila pag-depensa ng Palasyo sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ipapa-kidnap niya at ito-torture ang mga taga-Commission on Audit.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na sadyang sutil lamang ang Pangulo na lalo lamang mang-aasar sa kaniyang mga kritiko kapag patuloy ding kinokontra ang kaniyang mga ginagawa.
Magugunitang sinabihan muli ng Pangulo ang COA na huwag pigilan o hadlangan ang mga proyekto ng gobyerno dahil lamang sa pagsunod sa aniya’y protocols.
—-