Kinuwestyon ng Human Rights Watch (HRW) ang pagturo ng Pangulong Rodrigo Duterte sa magkakalabang drug syndicates na nasa likod ng extra judicial killings (EJK) sa bansa.
Tinawag ng HRW ang nasabing pahayag ng pangulo bilang ‘self-serving’, maling-mali at walang basehan.
Binigyang diin ng HRW na ang drug war killings ay nangyari matapos maluklok sa pwesto ang Pangulong Duterte noong 2016.
Simula anito ay libu-libo na ang nasawi at maliban sa kaso ni Kian Delos Santos, wala pang napanagot na police officers o mysterious civilian killers.
Iginiit ng HRW na police o iba pang local authorities ang nasa likod ng karamihan sa mga pagpatay sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ng Philippine National Police at Malacañang.