Ipinagtanggaol ni Police Lt. Col. Jovie Espenido si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging pahayag nito na binibigyan siya ng layang patayin ang lahat sa Bacolod.
Matatandaang inilipat ang kontrobersiyal na si Espenido mula sa Ozamiz city patungo sa bagong assignment nito sa Bacolod city.
Ayon kay Espenido, ang paraan ng pagsasalita ng pangulo ay para lamang itong tatay na nagbibilin sa kanyang anak.
Aniya, para bang sinasabi ng pangulo na nasa kanya na ang respondibilidad para ayusin ang matinding problema ng syudad sa iligal na droga.
Ngunit paglilinaw ni Espenido, Deputy City Director for police operations lamang siya at alam niyang mayroon pa siyang mga direct superiors na dapat sundin.
Una nang sinabi ng pangulo na matindi ang problema ng illegal drugs sa Bacolod city kaya itinalaga niya dito sa Espenido.